Pages

Tuesday, January 8, 2013

Mga nakakatats sa FRIENDSHIP.

Di ko alam kung bakit ko naisipan to. Siguro masyado lang akong madrama today :))

Nakakatats number 1:

Nakakatuwa lang na akala mo kinalimutan ka na nung friend mo na yun kasi mga 10 years din siguro kayong hindi nagkikita at mga 5 years na kayong walang contact sa isa't isa. Tanging contact niyo lang, Facebook na hindi naman kayo nagkakachat! Tapos, out of your thoughts, bigla ka niyang iimbitahin sa debut niya. Ang sweet plus nakakatuwa plus nakakatats. Hindi ko inakalang maaalala niya pa ko tinagal tagal ng panahon. Friends kami since kindergarten, natapos siya, Grade 3. Nilipat kasi siya ng school dahil bad influence daw sa kanya yung tinuring niyang best friend bukod sakin. Yung tipong, mga grades niya bumaba. Habang ako, di ko alam kung kanino ako sasama. Lagi kasi kaming magkasunod sa Top 10 ng klase. So mataas din siguro expectation ng lola niya sa kanya. So yun, pagtapos nun, nagkikita naman kami pag birthday ko sinundo ko siya sa school niya para maka attend lang. HAHAHA Effort ko diba? That's the brief story. HAHAHA Matats kayo! :))


Nakakatats number 2:

Nakakatuwa rin na ewan pag may problema ka tapos di mo na alam gagawin mo. Yung tipong napapaisip ka na magpakamatay, mag laslas, mag layas.. etc. May kaibigan ka na pakakalmahin ka. Sasabihin sayo na hindi ka nag iisa. Na hindi ka niya iiwan. Na lagi lang siya sa tabi mo pag may problema ka. Tapos sasabihin niya sayo na wala siyang ma advice pero pilit siyang nag eeffort mapatigil lang yung waterfalls sa mata mo. Yung tipong kahit di mo naman siya nakikita personally, nakakausap mo pa din siya ng matino kahit thru text. Ang sweet lang pag nagkaroon ka ng kaibigang ganyan.


Nakakatats number 3:

Nakakatuwa din pag kahit may "HAHAHA" or ":)" yung text, tweet, status mo, alam nila kung umiiyak ka. Di ko alam kung may pagka psychic ba nila pero nalalaman nila. Ikaw naman tong todo deny. Pero mas kilala ka pa pala nila kesa sa sarili mo. Nakakatuwa na sasabihan ka nilang "Okay lang yan." 


~        ~         ~         ~        ~

Kaya sa bumabasa nito, pahalagahan mo kaibigan mo sa paraang gusto mo siyang pahalagahan ka. Oo may mangyayaring away, hindi kayo mag uusap ng ilang araw, linggo, buwan, taon, pero kung pipiliin mo yung friendship, maisasalba mo talaga yan. Kasi yang FRIENDSHIP na yan, di hamak na mas nagtatagal yan kesa sa LOVE LIFE. Pwedeng 2 years na kayo ng boyfriend/girlfriend mo, pero pag nag away kayo, kanino ka ba lalapit? Di ba sa kaibigan mo. Kaya wag gawing wall ang love life sa pagitan niyong dalawa mag kaibigan. Hindi ka mabuting kaibigan kung kakalimutan mo yung kaibigan mo pag nagka boyfriend/ girlfriend ka. Marami akong kakilala na niregret ang pag focus nila sa boyfriend/girlfriend nila. Kasi nung nag break sila, tska niya lang napansin na ang saya pala pag kasama mo kaibigan mo. Bonus na lang si boyfriend/ girlfriend.

Kaya kung ako sayo, PAHALAGAHAN MO ANG KAIBIGAN MO hangga't di pa huli. Hinding hindi ka magsisi pag ginawa mo yun. Thought yung iba, pinagsisisihan yun kasi yung kaibigan nila ang lumayo. Pero hindi ikaw ang nawalan. Siya. Nawalan siya ng kaibigan na kagaya mo. Marunong magpahalaga. 


Yun lang :) tagal rin bago nakapag blog :))



No comments:

Post a Comment