Pages

Monday, January 28, 2013

Just sharing my day :)

Walang klase. Masaya. Pero nung nakita namin yung mga prof namin, pinapasali kami sa kung ano-anong contest tapos nung sasali kami, wag daw dun kasi madami nang kasali. So saan kami pumunta?

Nagpunta kami sa videoke bar ng kaklase ko. Kumanta, sumayaw, kumain, kwentuhan at tawanan. Yun nga lang, nung kumakain kami, ayaw gumana nung mp3 sa videoke. So ako na lang yung nagpatugtog. Pinatugtog ko yung uso. Yung nakikita ko sa Billboard charts. Tapos sinabi ni friend na ako lang nakakaintindi sa pinapatugtog ko. Kaya pinatay ko na lang. HAHAHA. Hindi naman nasira dahil dun. Masaya pa rin naman.

E di uwian na. My friend keeps texting me to come to her birthday. Eh ayoko nga. Tinatamad ako bukas kahit wala akong pasok. Eh basta. Di ko naman siya close makakulit lang wagas! Friend ko nung highschool eh. Pero di naman kami yung close na close. HAHAHA

So ngayon, bored nanaman ako. As usual. Magba-blog ba ko kung hindi? I don't know what to do. Wala akong makausap na matino. Lahat ata ng tao ngayon, BANGAG. So, baka matulog na lang ako ng ganito kaaga. Or gasgasin ko nanaman yung mga CDs ko. Can't decide...

No comments:

Post a Comment