Sabi nung prof namin sa Finance, ang pera daw, dapat ginagastos. Sabi ko naman sa utak ko lang ah, eh kung 100 lang baon mo sa isang araw, tapos sabihin mo nang 50 pamasahe pa lang, gagastusin mo pa din ba yung natirang 50 sa ibang bagay eh di ka pa kumakain? Tapos yung 50 mo, papunta lang. :P Maglakad ka na lang papasok! :)) ^_^v
Napaka kontrabida ng utak ko diba? Pero kasi totoo naman. Eh basta!
Mahirap mag ipon. Yun ang alam ko.
Di ko kasi talaga alam pano ko ko-kontrolin yung gastos ko. Try mo tignan yung expenses mo sa loob ng isang linggo. Just account them. wow ah! ang lalim. Pababawin natin. Isulat mo lahat ng ginagastos mo sa loob ng isang araw. Pamasahe, candy, pinang kain, photocopy, yung binigyan mo ng limos. Tapos i-total mo. Pag natotal mo na, gawin mo ulit yun sa isang araw. Tapos pag wala ka nang pasok, i-total mo lahat ng ginastos mo. Tapos, i-less mo sa allowance mo. Dun mo makikita gaano ka kagastador. Ako na nagsasabi sayo, mabibigla ka na lang. HAHAHA
Tinry ko to eh. Mga 2 weeks ko na sigurong ginagawa. Di ako makapaniwalang nakaka-200 ako sa isang araw. Samantalang yung bahay namin, kapitbahay lang nung school. Pero kailangan naman mag jeep. Siguro nga kasi, matakaw din kami magbabarkada. Kami kasi yung kung san matripan. At kung yung iba ang tanong pag nagkaklase ay, "Pano yun?", kami, "San tayo kakain pagtapos nito?" So siguro may idea na kayo kung ano itsura naman. Pero kasya pa naman kami sa isang pinto kahit dala-dalawa kaming magsabay. HAHAHA
So yun. Mahirap magtipid. Pero kung magtitipid ka naman, wag yung to the extent na magpapaka-KJ ka kasi tipid ka. Tapos ang dahilan mo, "Kumain ako sa bahay eh." pero deep inside, nung kumakain na mga kasama mo, naglalaway ka. HUWAG GANUN! Nagtitipid ka. Oo. Pero wag mong titipirin sarili mo. Pero nagtitipid ka. GULO NOH?! Kaya ka nga di makapagtipid kasi nga, MAGULO. HAHAHA. Sakin lang naman, kung busog ka, eh di sige. Wag kang makipag participate sa mga kasama mo. Pero pag gutom ka, wag mong ipasok sa isip mo na, "Nagtitipid ako. Di na lang ako kakain." NAGPAPAKAMATAY KA NA BA?! Text mo na lang ako. Wag ganyan! HAHAHA
Paano ka makakatipid? Para sakin, eto...
1. Lumayo sa Temptation.
IKR! Pero ang pagkain, di yan temptation. NEED po yan. Ang ibig sabihin ko sa temptation, ay yung mga bagay na di mo naman talaga kailangan. Know your priorites which is No3?. Pero mamaya na yun. Nasa No1 tayo. Example na lang yung sa mga girls. Kung ano ano naman kasi talaga naiisip nating bilhin diba? Make up's, suklay, damit, bag, sapatos, libro...etc...... Endless yan eh. Pwede bang hanggang tingin muna sa mga gustong bilhin? At kung gusto mo talagang bilhin, PAG IPUNAN MO. Sa mga boys naman, kung gusto niyo makatipid, tigil tigilan niyo yung DOTA. HAHAHA. Pramis! Ang laki siguro ng ipon niyo! ^_^v
2. Huwag uutang pag di kailangan.
Kung uutang ka sa isang bagay na gustong gusto mong bilhin, make sure na may ipon ka muna. Kawawa naman yung uutangan mo kung di mo mababayaran on time. For example, uutang ka kasi may gusto kang bilhin na sapatos. Pina-utang ka ni friend. Eh kadalasan, pag friend to friend ang utangan, mga 1 week, 3 days, 2 days lang diba? Bihira yung month. Eh kunwari ang usapan niyo ni friend eh 3 days lang. Eh nagipit siya nung 2nd day, wala ka pa ring pera.. Ano gagawin mo? Nga-nga. Uutang ka kay isang friend. Diba ganun naman talaga? Natry ko na to kaya nadala na ako. NAKABAYAD NAMAN PO AKO. HAHAHA
3. Know your priorities.
Hangga't maaari, huwag mong bilin yung hindi mo pa kailangan. Siguro naman hindi mo kailangan bumili ng lpsticks araw-araw o linggo-linggo (may dash ba yung linggo-linggo? XD) Pero yun lang naman ang lesson sa No3, HUWAG BILHIN ANG HINDI PA KAILANGAN. Pag nakaipon ka na, tska mo isipin ano yung mga kailangan mong bilhin at dapat naka prioritie pa rin yung MAS kailangan sa hindi.
4. Hikayatin sila friends na mag-paluwagan or group savings or palakihan ng ipon.
Things like that. Makakatulong yan. Kasi pag ganyan ang gawa niyo, malamang, at the end of the semster, may pakpak na kayo magkakaibigan dahil sa mga 49-ers na promo ng mga food establishments. Like Crispy Chiken Fillet ng McDo, Flavor Shots ng KFC, Crispy Pork Chop ng Jollibee. Yan lang yung madalas eh diba? O kaya sa mga tapsilogan (tapsilugan pero o ang spelling kasi nga itLOg diba? XD)
SUMATOTAL, suma na nga, total pa! kulet diba? Kaya mo naman mag ipon. You just need to know when, where, what, why buy those/these/this things. (Ang daming choices ah. Pili ka na lang.) Hindi naman talaga siya mahirap gawin. Mahirap lang talagang iwasan yung mga gusto mong bilin...
Hope this will help? HAHAHA
Love always, Q
No comments:
Post a Comment