Hi! Eto ba yung month na tinatawag nilang Buwan ng mga Puso? HAHAHA
Hindi kasi ako AWARE. BOOM! Bitter ko diba?
Sa February 14, tatlong grupo lang ang sa tingin kong mag de-date.
Top of the list, COUPLES. Pakasaya kayo ah. Yung lalaki pagawin niyo ng effort, pag wala silang ginawang effort, hayaan mo na lang. May karapatan kang magtampo pero isipin mo na Feb.14 is just an ordinary day. Hindi naman porket Valentines day eh dapat special lahat. Hindi. Kung gugustuhin niyo mag boyfriend/girlfriend na mag date araw araw na feeling Valentines day araw araw, pwede. Walang nagbabawal. Huwag agad magtampo. Sapat na yung magkita kayo. Huwag ka rin assumera na nag-assume na may gagawing gimmick si boyfriend tapos, at the end of the day, wala naman pala. Ang sakit diba? :)) Kaya, chill lang kayong mag-couple. Hindi niyo rin kailangan ng magarang reaturant. Chicken Fillet lang sa McDo pwede na as long as you're together. >SWEET! Kelan kaya? :))<
Next, SINGLE NA MAGBABARKADA. Dito ata ako belong this year. Kasi di pa dumadating ang February, nakaplano na kung saan kami kakain, anong kakainin, anong gagawin. Eto na siguro pinakamasayang Valentines day pag nagkataon, hindi lang sakin pero para din sa inyo. Imagine, wala ka mang special someone, meron ka namang, special group of friends (di ko maisip anong word mas maganda eh) oh diba, yung couples diyan sa tabi tabi, isa lang. Ikaw, sampu mahigit ka-date mo na lahat ay special sayo. Ang saya diba? Ganyan talaga pag friends ang ka-date. Hindi ka loner sa Valentines day diba? :)
Lastly, SINGLES. Para sa akin, eto yung tipong, papasok sa school, uuwi, magkukulong sa kwarto, manunuod ng mga romantic movies na mapapaiyak siya. Tapos, mag gGM ng mga bitter, emo, loner quotes. Sa akin lang, HUWAG GANUN. Tnry ko na to, di masaya. Wala ka bang friends? Siguro meron naman noh? Why not sumama ka sa kanila? Minsan ka lang naman magpakasaya. Baka kasi kaka break niyo lang diba? Hindi pa tapos ang panahon. Malayo pa mararating mo. Marami ka pang makikilala diyan. Napaasa ka? Hayaan mo siya. Kakarmahin yun. Hindi pwedeng hindi. Hindi man sa love life niya, sa ibang bagay. which remind me of someone.. :)) So yun. Wag loner. Try mo makihalubilo para maka move on ka mas madali...
So yan lang naman ang kutob kong may date. Sa mga SINGLE na nagtitipid at ayaw talaga lumabas, kumain mag isa, yung mga nagddrama, MAG-ARAL KA NA LANG. Malay mo may quiz diba? HAHAHA
Yown lang :) >inaantok na ko.. Good MorNight! :D
No comments:
Post a Comment