Pages

Friday, December 28, 2012

Why am I single? :))



According to this test,
http://www.seventeen.com/fun/quizzes/love/why-am-i-single-quiz

You're Bashful!
You're pretty self-sufficient and are more into doing things one-on-one than in a big group. But lying low means that people (read: guys) may not get to see just how fabulous you are. So start taking small risks every now and then. Next time a cute guy catches your eye, flash that great smile of yours at him and say hi!

According to my friends,
Bitter ako.
Masungit ako sa mga lalaki.
Pa hard to get ako.
Mag ayos ka kasi!
Pakipot ako.
Pinapakita kong ayaw ko mag boyfriend.

Blah. Blah. Blah.

According to me,
I don't need one.
Pwede na yung mga kaibigan ko.. Nandiyan naman sila palagi.
Nandiyan naman family ko.
Ayoko pa. 
Darating yan. 
Di ko siya kailangan hanapin.
Sakit lang sa ulo yan.
Ayokong may iniintindi.


I'm do not really need one. FOR NOW. Ayokong magsalita ng tapos. Lagi akong sinasabihan ng mga barkda ko. HAHAHA

Bakit ayaw ko? Eto:

Number 1. Syempre, pag in a relationship ka, lagi kayong magkatext, lagi kayong magkakamustahan, lagi kayong magkasama, lagi niyong iccheck ang isa't isa.

Number 2. Wala ganong privacy. Kasi yung ibang couples, nagbibigayan ng password at nagbabasahan ng messages. Minsan magpapalit pa yan ng SIM. Walang privacy.. HAHA

Number 3. Distraction sila sa mga ginagawa mo. Sabi nga sa number 1...



Bitter ko ba? Peace tayo! Opinyon lang :))


~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~

RANDOM BLOG:


Ang hirap kapag nasanay na maging Single yung isang taong papasok sa relasyon.
Alam mo yung pakiramdam na dati sobrang hawak mo ang oras mo, yung pakiramdam na baka manibago ka kasi may tao ng maghahanap or magdedeman ng oras sayo. Ito ang ayaw maramdaman ng mga taong single eh, yung na enjoy nila ng husto yung single life nila kaya yung pumasok na sila sa relasyon eh ramdam nila nasasakal sila kahit hindi naman.
Eh masisisi mo ba yung mga single? eh syempre gagawa at gagawa ng paraan yan para sumaya, tipong stay put lang sila sa buhay habang nag-aabang ng taong magmamahal sa kanila.
Dati nakakapagpuyat ka, ngayong papasok ka sa relasyon asahan mong may susuyuin ka na kapag nagpuyat ka pa. Kasi magagalit yan at mahuhuli na hindi ka pa pala natutulog. Mapwepwersa kang sumunod dahil takot kang mawala siya sayo. 
Basta, sobrang life changing ang magkaroon ng relasyon, lalo na kung sa sarili mo eh gusto mo na talagang i commit na “siya na talaga”. So magpapakaloyal ka, maraming mababago sa daily routines mo. Hahawakan mo na ulit cellphone mo, magpapaload ka na ulet, may kausap ka na lagi sa telepono. Hindi na uubra yung aalis ka na hindi magpapaalam. Kailangan muna lagi sasabihin mo sa karelasyon mo mga lakad mo.
Basta, kaya dapat nag-iisip isip ka. Once na pumasok ka sa relasyon, ilan yan sa mga dapat tatandaan mo.

                                                  - matabangutak  
(kilala niyo naman siguro yan?)


~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          

Basahin niyo din yung Lovestruck by Ronald Molmisa. Dalawa yun eh. Singles Edition tska Love mo siya, Sure ka ba? oo yun ata yun.. Sa mga christian bookstores yan mabibili eh. DI ako sure kung meron sa National Bookstore. Basta yung akin sa christian bookstore ko nakita..


~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          ~          

Bakit ba ko single? Si GOD kasi, sinusulat pa lang love story ko. Natraffic pa daw. Eh binaha daw yung bahay. Tapos nasunog yung isa nilang bahay. Kaya ayun. Busy pa siya.. HAHAHA Antayin ko lang daw at dadating yun. Di ko kailangan maghanap.

Pero ang totoo? Walang nanliligaw sa akin. Masungit nga kasi talaga ata ako. Siguro, di nga kasi ako nagpapakita ng motibo na gusto ko sila. Oo bitter ako. Kita naman diba? Pero para saan? Never pa naman ako nagkaboyfriend. Hindi ko rin alam. Basta yun ang bansag sa akin ng mga kaibigan ko na hindi ko nga rin malaman bat bitter ang tawag sa akin. Tapos pag tinanong nila ako kung bakit syempre sasabihin ko hindi ko alam. Eh hindi ko naman talaga alam. Sila nagbansag nun bat di nila masagot? HAHAHA Nandiyan naman talaga ang family and friends ko na laging stay put sa tabi ko. Sakit lang naman talaga sila sa ulo para sa akin. Sakit sa ulo dahil syempre, di maiiwasan yung away. Syempre may selos moment kayo diyan. Di pwedeng wala. Basta ayoko ng may pinoproblema. Nakaka stress pag lagi kang may iniisip. Iniisip mo bakit ganun, bakit ganyan. etc. Nasanay na siguro kasi akong ang nagtatanong lang sa akin kung kumain na ba ako, ay magulang ko. . Ayoko talaga ng may iniintindi. Hate na hate ko yan. Yung kapatid ko nga lang pag sumobra na, hindi ko na iniintindi boyfriend pa kaya? HAHAHA Sanay kasi siguro akong mag-isa lagi. Yung tipong in a relationship ata kami ni computer kasi di mo kami mapaghihiwalay.. Tipong ganun. Tapos malolow bat si cellphone kasi laro ako ng laro. Ganun buhay ko eh. Hindi rin ako palalabas ng bahay kaya dalawang pares lang ng tsinelas meron ako. Isang pambahay. Isang panlabas. Weird ko diba? Hindi rin ako palakaibigan. Yung tipong lahat ng makasalubong ngingitian? Hindi ako ganun. Pag naglalakad ako, minsan, medyo nakayuko. Pag may nakita akong kaklase ko dati, hindi ko papansinin. Except sa mga naging kaklase ko nung elementary, 2nd year high school at 4th year high school. HAHAHAHAHA


So that's my story. What's yours? HAHAHA Adik lang. 

Basta ako, antay lang talaga. Dadating yun! Tiwala lang. Puso lang. Di mo naman ikamamatay pag wala kang boyfriend. Baka maging successful ka pa nga pag wala kang boyfriend. Pwede kang magtravel around the world nang walang boyfriend. Just wait for the right time, the righ person, the right place. Malay mo sa Eiffel Tower pala kayo nakatadhanang mag meet diba? How sweet! HAHAHA. 

Patience is a virtue. The more you wait, the more na mas maganda ang kahihinatnan niyan. At pag dumating na siya, hindi na siya yung taong PA-FALL lang. Hindi ka niya PAAASAHIN. Mamahalin ka niya. Yung mahal na mahal. 

Ang drama na! XD Tama na.


Yun lang :D



No comments:

Post a Comment