Pages

Thursday, December 20, 2012

Kung magugunaw na ang mundo bukas, anong gagawin mo?

"Kung magugunaw na ang mundo bukas, anong gagawin mo?"

Hindi ako naniniwala diyan. Diyos lang naman talaga nakakaalam at makakapagsabi niyan. Pero ang dami kasing post sa Facebook na nakakaintriga. Minsan sasagi din naman sa isip mo na, "Oo nga. Anong gagawin ko pag ganun?" May pinanuod akong video sa Facebook yung about sa mga predictions ni Nostradamus. Nakakakilabot siya panuorin. Mapapaisip ka talaga. Pano nga kung umabot ng 1,000,000,000 views yung Oppa Gangnam Style? Katapusan na? HAHAHA weird! Natapos ang mundo dahil umabot ng ganun ang views ng dance craze na yun.. Dahil naintriga ako, naging topic din namin to magkakaibigan. Sabi nung isa kong friend, 4 years late daw ang calendar natin. So, 2016 na tayo ngayon. Ibig sabihin tapos na yung 2012.  Eh ang dami kasing predictions nakakaloka yang Mayan Calendar na yan pati yung kay Nostradamus. Pero, si GOD lang talaga ang dapat na paniwalaan. Siya lang ang may hawak ng sagot sa tanong na yan. Wala ba tayong tiwala sa kanya para di siya paniwalaan? Siguro hindi naman diba? :)

So, sa tanong. Paano nga kung magunaw ang mundo? Tinanong ko to sa kaibigan ko at ang sabi niya, wala lang, petiks, nga nga at kung sakaling mangyari nga, come what may na lang daw. Hindi ako naniniwala pero nakaka.pa.isip (may salita bang ganyan?). 

Kung ako siguro tatanungin nian, isasagot ko din, come what may. Lahat tayo ayaw pa mamatay noh! Tapos ako, wala kapatid ko, mama at papa ko. Tapos dahil sa 1,000,000,000 views ng Gangnam Style, matatapos ang mundo? HAHAHA Kalurkey! 

Kung magugunaw na ang mundo, sasabihin kong mahal ko ang parents ko. Hindi asi ako showy. Pag sinasabi nila na "I love you. Goodnight" Ang reply ko lang sa kanila "Byee.." Oh diba? Pero ayoko silang mawala. Paranoid nga ako nung umalis sila eh. Hindi ako makatulog hanggat di nila ako tinawagan at sinabing "Nandito na kami."

Kung magugunaw na ang mundo at natapos ko nang kausapin ang parents at kapatid ko, tatawagan ko mga kaibigan ko at sasabihin kung gaano sila ka.special sa buhay ko. Drama diba? HAHAHA

Kung magugunaw na ang mundo, hindi ko pa rin sasabihin sa crush ko na crush ko siya. Mapride lang ang peg! HAHAHA

Kung magugunaw na ang mundo, it.Tweet ko, is.share ko sa Facebook, Tumblr, magpipicture sa Instagram. HAHAHA Nevermind! XD

Hindi pa magugunaw ang mundo! Hindi ko pa nakikita ang celebrity crush ko. Nakakapa.isip lang nga..

No one knows when. Si GOD lang talaga. Si GOD ang dapat paniwalaan. Yung rumor na magugunaw ang mundo sa December 21, 2012, hindi dapat seryosohin. 

Pag bukas walang nangyari, mukha tayong tanga sa mga pinagpopost natin. HAHAHA
KAHIYA HIYA! Pwede idelete? XD

Ipapanuod na lang natin sa mga magiging anak natin yung movie na 2012 at sabihing, we survived that phenomenon. Oh diba! Pag niresearch ng anak mo, problema mo na pano sasabihing hindi yun totoo. HAHAHAHA



Tiwala lang kay GOD. Siya lang nakakaalam ng mga bagay na ganito. Siya lang dapat ang paniwalaan :)




Yun lang :)

No comments:

Post a Comment