Pages

Thursday, December 20, 2012

SMP

Para sa akin dalawa lang yan diba? Eto yun:
Samahan ng Malalamig ang Pasko - the non-sense one.
Samahan ng Maliligaya ang Pasko - the one that makes sense.

Kung may isa pa, siguro eto meaning "Samahan ng Mabababa ang Prelims" I think kasama ako dito. HAHAHA Anyways...


Samahan ng Malalamig ang Pasko.

Malamig naman talaga pag malapit na yung pasko. Eh bat pinopost pa rin to kung alam naman na? Chos.

Eto ang drama ng mga NAG IINARTENG SINGLE kapag Pasko. Well, last year ata sumali ako dito. HAHAHA. Pero non-sense siya. Kasi nga ang Pasko dapat sine-celebrate kasi nga pinanganak na si baby Jesus. Tapos tong mga single na to mag iinarte lang? Hindi dapat. Hindi porket wala kang boyfriend/girlfriend eh wala nang saysay ang Pasko. Kawawa naman yung mga kamag-anak mo, di mo na pinansin. Huwag tayong bitter sa pasko. Let's enjoy it. Kahit wala kayong handa, wala kang pera, wala kang damit pamasko. May kapitbahay ka naman na paniguradong maghahanda. Basta ang mahalaga, masaya ka kasama ang FAMILY mo. Kahit ano pa yung nakahain sa lamesa ninyo.

Huwag mong ipakita na apektado ka ng salitang LOVE. Pinapangalandakan mo pa na SMP ka. Yung iba dadamayan ka. Pero yung iba naiinis lang. Kasi nga dapat nagpapakasaya. Pero ikaw, nag e-emo ka sa mismong araw ng Pasko? MOVE ON! HAHAHA. Dapat sa isang SMP ka sumali okay? Sa Samahan ng Maliligaya ang Pasko.. Kanta ka na lang ng Santa Baby or yung All I Want For Christmas Is You, kahit alam mong di naman siya dadating. HAHAHA. Yung My Only Wish na lang ni Britney Spears!! Ganito yun eh....

"Santa can you hear me?
I have been so good this year
And all I want is one thing, tell me my true love is near
He's all I want, just for me
Underneath my Christmas tree
I'll be waiting here.
Santa that's my only wish this year." ALAM NA! :))

Wag desperado magkaroon ng love life. Hindi problema yan. Hindi mo dapat ikinalulungkot yan. Kasi baka natraffic lang siya sa Divisoria, hindi makaalis kasi siksikan na. Sinusulat pa ni God love story mo. Antay lang. Darating yan! Di pwedeng hindi. HAHAHA. 


Samahan ng Maliligaya ang Pasko.

Eto. Dapat lahat tayo dito sumali. Kagaya nga nung sabi ko, "Kahit wala kayong handa, walang pera, walang damit pamasko. May kapitbahay ka naman na paniguradong maghahanda. Basta ang mahalaga, masaya ka kasama ang FAMILY mo. Kahit ano pa yung nakahain sa lamesa ninyo." HAHAHA


Text your friends. Batiin mo sila. i-group message mo. Damay mo na mga enemies mo. Nasa kanila naman na yun kung babatiin ka nila pabalik or gagawan nila ng issue yung pagbati mo diba. Importante, nakapag share ka ng LOVE. Make sure na taos sa puso ang pagbati sa enemies ahh. Hindi yung labas sa ilong na "Mherrhy Christhmhas". Pag bumati ka. Wag din jejemon. Makasira ka pa ng araw dahil di nila maiintindihan yung "mH3rr! cHr!stmAxs p0e." mo. Dapat yung "Merry Christmas. Pakasaya ka. Maputukan ka sana sa 31!" Joke! The simplest way you can make a person happy dapat. Kahit anong bati pa yan.. Christmas muna ah? Huwag muna New Year please. CHRISTMAS muna. Wag ka na munang umadvance! HAHAHA

Basta enjoy lang ang Pasko. Batiin lahat ng dapat batiin. Share love. Give gifts kung may pera. HUWAG TAGUAN ANG MGA INAANAK. Nako! Wag na wag! Kawawa naman sila. Ang effort nila pumunta sa bahay mo tapos tataguan mo. Sinama niya lang naman ang buong angkan. Bigyan mo na. Kahit sweets na lang (mga flat tops ganun..yung medyo sosyal..) Alam na? :D



Yun lang :)

No comments:

Post a Comment