Pag ako nasa ganyang sitwasyon, siguro nag gGM na ako sa barkada ko na ang awkard ng place, ang tahimik ko, wala akong magawa, etc.. Basta hindi ako magaling sa pakikipagcommunicate. Takot kasi akong mareject. Takot din akong masungitan. Yung iba kasi pag kinausap mo, di ka papansinin diba? Meron nga kaming kaklase na pag nagkakasalubungan, ngingitian ko pero nagmumukha lang akong tanga kasi mukha silang poste na naglalakad. Walang pakiramdam at walang nakita. So hindi na lang ako umiimik. Feeling ko kasi, ako lang mismo ang nagpapahiya sa sarili ko..
Sabi ko nga, hindi ako ang lumalapit. So lahat ng kaibigan ko, sila ang lumapit sa akin. I mean, sila yung unang nagsalita. HAHAHA. Naalala ko nung first day ng college life, ang awkward lang nung pagpasok ko sa classroom. Feeling ko ang tatanda na ng mga kaklase ko. Judgemental lang? Ganito kasi yun.. Alam niyo yung feeling na itsura nila matured na? Samantalang ako baby face. Mga ganun.. HAHAHA. So yun. Umupo ako sa row na wala akong katabi. Maaga pa din kasi. Tinext ko si best friend guy (iba pa tong best friend na to). Sinabi ko sa kanya "Ang tatanda na nila. Anong gagawin ko? Walang kumakausap sakin. I'm freaking out inside.." Sabi niya, mag "HI" daw ako sa kung sinong tingin ko ay fit sa ugali ko o kaya yung nasa likod ko. Mas pinili ko yung nasa likod ko. Nung nag "Hi" ako. Warm welcome! HAHA At dahil dun, nakilala ko nga si friend 1. Tumabi ako sa kanya kasi may katabi na siya sa kabila at magkakilala sila. At yun. Hindi natapos ang araw, mga 5 na kami. Hindi ako ang nagsasalita. Si friend 1. GANYAN AKO.
How I met my best friend? 4th year high school at nag transfer ako. Di ako makali sa mga school na pinapasukan ko eh.. HAHAHA. So yun, pinagpaubaya ako ng adviser namin sa 3 babae na mukha namang mababait kasi nataranta sila nung naiwan ako sa kanila. Pinunasan nila yung upuan kasi maalikabok daw. Ang sweet nila!! So yun nag tanungan..chikka, chikka.. At hanggang ngayon, ganun kami. Except dun sa dalawa na minsan ko lang talaga makausap. Etong best friend ko na to, lagi ko atang kaaway yan nung high school, friends kami pero lagi kaming nag aaway. Tipong, di nagpapansinan, maliit na bagay palalakihin namin.. Mga ganun.. Pero siguro ngayon, iba na. Matured na ng konti tska siguro nalaman na namin ang isa't isa. Kung tatanungin mo ako ngayon, masaya ako na hanggang ngayon, best friend ko siya. Yung tipong pag may problema ako, itetext ko siya at mag uunli na yan right away. Ganun din naman ako sa kanya.. Siya lang ata matinong best friend ko na gusto ko i-keep FOREVER.
Me as a friend. Ganito ako.
- Weird ako kasama lalo na pag super close na ko sa isang tao. As in mapapasabi ka ng "Weird mo." kasi lagi akong bumabanat. Lagi akong nagpapatawa.
- I trust them. Pero pag sinira nila, goodbye friendship ako. Ayoko ng taong sasayangin lang yung tiwalang binigay ko.
- Pag kailangan mo ako, lagi akong nandiyan. Kahit wala akong load, magpapaload ako basta kailangan mo. Except na lang pag wala talagang pera..
- I keep secrets. Dahil ayoko nga ibbreak ang trust ko sa kanila, hindi ko din bini-break ang trust nila. Wala pang secret na nabulgar. Kahit yung mga tipong, sa loob ng barkada, alam ko mga secrets nila pero hindi ko sinasabi sa iba.
- I'm a sweet friend. Di pwedeng walang regalo pag birthday or may kung ano. Exception pag gipit at malayo si friend.
- Pag may favor, gagawin ko sa abot ng aking makakaya. Wag lang pakopyahin sa exam. Di ko gawain talaga yun. HAHAHA. Quiz, seatworks pwede pa. Pero exam..NO!
- Dinadamayan ko lahat ng may problema. Yung kahit may problema ako na gusto ko ishare, papatapusin ko muna yung kabigan ko bago ko isisingit yung akin na kadalasan, nakakatulugan na lang at di ko na ino-open the next day.
I think that's me. Pero syempre, minsan di ko kasi maiwasan na magtampo.. Minsan lang naman. Frustrations siguro? Ewan ko kung anong pwedeng itawag basta eto yun.
- Minsan nafefeel ko, ginagamit lang ako. Yung iba kasi, kaibigan ko lang pag may kailangan. Yung tipong di daw unli pero pag may ipapagawa, nakakapagtext.
- Minsan feeling ko, ikinukwento nila yung mga secrets ko. Hindi mawala sa utak ko to. Alam kong mali na isipan mo ng ganun ang kaibigan mo pero you'll never know eh. Magugulat ka na alng isang araw, alam na kasi ng lahat mga secrets mo.
- Minsan, pag kailangan ko sila, wala sila. Ang sakit nito. Minsan kasi, iniiyak ko na lang problema ko kasi wala akong mapagsabihan. Lahat ng itext ko, iniignore ako.
- Minsan feeling ko hindi nila ako pinapahalagahan. Wala. Di ko feel presence nila tipong ganun. Parang wala akong kaibigan minsan.
Yan lang naman. Hindi ko na maalala yung iba. Pero yan lang kasi yung madalas mangyari..Madalas kong mafeel.
So that's me as a friend. Mahal ko mga kabigan ko. Sana pantay lang yung pagpapahalaga ko sa pagpapahalaga nila sa akin. Parang boyfriend/girlfriend lang yan.. CHOS! HAHAHA
YUN LANG :)