Di lang talaga ako makapag decide kung ipapagpatuloy ko ba ang nasimulan na o iiwan na lang yun at iiba na ng daan...
So here I am.. Asking for advice.
Would I rather do this...
Or, make this..
My answer is,
HINDI KO TALAGA ALAM!
Naloloka na ko.
Ano ba talaga?
Ang gulo ko naman!
Kainis!
HELP! XD
So para medyo madalian ako, iniimagine ko sarili ko sa lugar ng dalawang trabaho na yan..
Disadvantages first!
Pag Accountancy,
siguro, wala na akong time sa sarili ko para mag enjoy
lagi siguro akong haggard
hindi ako masaya sa pagcocompute ng kautangan ng mga clients
di ko alam kung kakayanin ko yung trabaho
ano pa ba?.... yan muna.
Pag Interior Design,
feeling ko panget magiging designs ko
hindi ako ganun kagaling magdrawing
dapat lagi kang may ideas
wala na ko maisip..
Advantages naman!
Pag Accountancy,
mataas sahod
makakatravel ka. kasi nga malaki sahod
flexible daw ang trabaho (niresearch ko lang.. XD)
Pag Interior Design,
masaya kasi para mo lang aayusin yung bahay
para ka lang nagti-trip
marami kang time (I think)
design..design..design
Oh diba? Kaya ko naman i-distinguish. HAHAHA
Pero kasi...
Ewan ko talaga..
Pag iniimagine ko naman sa school...
Pag Accountancy,
may friends na ko no need to worry.
kaya lang hindi talaga kaya ng utak ko pagsosolve sa accounting
ayoko naman na itutuloy ko yung accounting kasi nakakakopya pa ko.
(Sa mga nagbabasa nito, OO. Nangongopya ako. Panigurado ikaw din naman! XD)
What if, mawala yung inaasahan ko?
Ano? Nga-nga na?
Napagtyagaan ko nga ng 2 years..
Hindi naman ako masaya.
Pero pag di ko nga tinuloy, sayang nga talaga..
Pag Interior Design,
wala akong friends.
back to zero
baka walang ma-credit
pero pag dito ako, feeling ko magiging successful ako
kahit di ako magaling magdrawing, feeling ko matututunan ko naman
siguro biased na yung pagsagot ko kasi eto talaga gusto ko..
Sa totoo lang, ang kalaban ko ay between sa friends and course na gusto ko.
Kasi nanghihinayang din akong iwan ko sila.
Imagine, papasok ako sa isang school na walang kakilala.
Yung as in bago nanaman ang environment na kailangan mong i-adjust.
Eh, I heard na pabonggahan sa school na lilipatan ko.
So yun ang kinakatakot ko.
What if, di ko kayanin mga kaklase ko?
HAHAHA
Let me give you a background nung 4th yr high school ako at pinoproblema ko to..
Nung high school ako..
Gusto ko na talaga Interior Design.
Eh di afford ng parents ko na pag-aralin ako sa abroad
(Sa abroad ako grumaduate...Hindi sa bonggang abroad. Diyan lang sa tabi-tabi..)
Eh nung time na nalaman namin na hindi namin afford,
May na.
So, napaka last minute ng pagpili ko ng course.
Nung nalaman ko na may 2 yrs course dito nga sa school ko..
Sabi ko yun na lang.
Sabi ko, siguro kaya ko naman siguro ang accounting.. 2 years lang naman.
Sabi ko, bibigyan ko ng 2 years sarili ko.
Para malaman kung ano ba talaga..
Eh eto na ko sa 2 years ko..
Hindi na ko makapagdecide..
Tama na. Ang drama diba? XD
"I would rather do nothing and be happy than do something that I don't love."
Parang ganito lang yan..
Itutuloy ko yung accounting pero hindi ako masaya..
Parang sa pag-ibig.. CHOS!
Ewan ko! Lito pa rin ako kahit kung ano ano na sinabi ko sa blog na to.
I need help.
I need advices.
I need recommendations.
Gawan niyo nga ng thesis! HAHAHA
San may school ng interior design?
Magkano tuition?
Sasaya kaya ako dun?
Ewan ko talaga.
Parehas lang kasi tuition nila.
Yung school ko ngayon, mga 10 kembot lang ang layo sa bahay.
Yung lilipatan ko, mga 100 kembot.
HAHAHA
So yun.
Itutuloy ko ba ang accounting o lilipat na ko sa interior design?
Maraming masasayang. I KNOW.
Pero ano sa palagay mo?
Kunwari kaklase/ kabigan kita sa accounting...
Ano pwede mong i-advise?
Magshift na lang ba ako ng course na medyo madaming maccredit o lilipat na?
GOSH! Ngayon lang ako nagkaganito.
Ang hirap kasi!
Please. I need advices. HAHAHA