Seryoso!
Maghapon akong nasa computer para magtingin tingin.
Tapos nakikipagchat ako kila mama.
Di ko feel mag text kahit may cellphone ako.
Nakakalungkot kasi na nawala talaga si beloved cellphone.
Tapos, tinitipid-tipid ko yung binabasa ko. (Delirium by Lauren Oliver)
Kasi nga, wala akong magawa.
Every part of the house reminds of that cellphone.
Nakakainis din na ang aga ko nagigising.
Kasi, bigla na lang akong nagigising.
Tapos naaalala ko cellphone ko.
Na dinukot nung walang hiyang, demonyong mandurukot.
Iknow.
I'm weird.
Pero the past 2 years,
buhay ko din yung cellphone na yun.
Ewan ko ba!
Nakakainis lang talaga eh.
I'm really weird.
Tinatry ko pa din itrack yung cellphone ko.
Kahit alam kong wala na ngang pag-asa!
Langya naman kasi eh!
Bakit kailangan pang mangyari to sakin?
Everytime na matatahimik yung kwarto ko,
nakakalungkot.
Gawain ko kasi dati na magpatugtog lang pag naisipan.
Pero ngayon, lahat ng nakasanayan ko,
tinangay nung demonyong mandurukot.
I know it's just a phone.
Madaling palitan.
Pero mahirap kasi kapag nakasanayan mo na nasa tabi mo yun.
Parang boypren lang nga.
Tapos, yung dapat na kakausap sayo,
di mo makausap ng matino.
Gusto ko lang naman marinig na,
"Ok lang yan."
Pero kahit sabihin niya yun,
alam kong di sincere kasi may pinoproblema din siya.
Tapos kapag papasok ka,
aasarin ka nung mga kaklase mo about sa phone mo..
which is, pag sa barkada ko, okay lang
pero pag yung iba na babanat, gusto kong ihambalos sa pader.
Hindi ako pikon.
Pero kung araw-araw,
ganun ang umpisa mo sa school,
paniguradong badtrip ka din!
Lalo na pag di naman kayo close nung nangjo-joke sayo.
Nakakaburyo lang.
Wala akong magawa.
Kahit bored sa Facebook, online lang.
Kahit kung ano ano na lang maisip ko, Tweet lang.
Nakakabagot.
Ganito pala feeling ng mawalan ng cellphone.
Pero bat yung iba ang bilis mag move on?
Baka weird lang talaga ako..
Baka weird lang talaga ako..
I will report the incident tomorrow.
Sa NTC.
Ipapablock ko si beloved cellphone.
Para wala nang makinabang.
I will be fine... Eventually,
Ms. Q
No comments:
Post a Comment