Ako kasi, maraming kaek ekan na ginagawa bago magreview at pag nagrereview na..
Ayoko na nag aadvance ng review. Mawawala din yun sa utak ko. HAHAHA
Bago ako magreview, gusto ko..
Nakakain na..
(para wala nang istorbo! HAHAHA)
I-Tweet na magrereview na ko..
(malaman lang nila na magrereview na ko..XD)
Maligo..
(para fresh at malamig pa ng utak. HAHAHA! Ano daw?)
Kulitin yung mga kanina pa nagrereview..
(gusto ko lang talagang inaasar yung mga over magreview...)
Magtingin-tngin ng pictures ni crush..
(for inspiration purposes lang.. XD)
Kausapin sila mama..
(gusto ko sinasabihan ako na "magreview ka na" baby lang?! XD)
Icheck sa Facebook ung sino pa online na kaklase..
(that means di pa rin sila nag uumpisa magreview at may karamay ako.)
Soundtrip..
(mga 5 favorite songs ko... hanggang sa magtuloy tuloy.. di na nakareview XD)
Magbasa ng isang chapter sa mga binili kong libro..
(hanggang sa matapos ko na yung libro.. XD)
Kapag nagawa ko na yan (not in particular order), pwede na ko magreview.
Habang nagrereview ako, gusto ko..
(warm up part.. hawak ko pa lang ang reviewer..)
Nakashuffle MP6 player ko..
(bulok noh? nanakaw cellphone eh..MOVING ON!)
Gusto ko may nang gugulo sakin..
(bet na bet kong may nangungulit sakin.. ewan ko bakit.)
Mag g-GM na "stock knowledge na bahala!"
(makapang gulo lang ulit sa mga nagrereview..)
Nanunuod ako ng TV..
(kahit panget palabas..)
Paparty party.. Kakanta kanta din pag ma time..
(pampawala ng stress.. HAHAHA)
Magbabasa ulit ng isang chapter sa librong binili ko..
(pag di ako nakuntento sa huling chapter na binasa ko bago magreview..)
Kausapin ulit si mama at sabihin magrereview na talaga ako..
(tapos mags-sign out na sila.. nakukulitan sakin.. XD)
Magtweet na wala pa akong narereview..
(kung finafollow mo ko, kilala mo na ko! XD)
(review proper..seryoso na to! XD)
Ayusin na yung rereviewhin..
(mauuna yung madali sa mahirap.. para pag di natapos yung mahirap, may bukas pa!)
Medyo hihinaan na yung pagpapatugtog..
(yung tipong tama lang.. may mai-background music lang sa pagrereview..)
Lilipat lipat ng pwesto sa kama..
(pero laging sa left side.. malalaglag ako sa right side! XD)
Nakasilent si phone..
(di ko nirereplyan mga nagtetext kung anong rereviewhin..)
Ayokong may kakatok at may mag iingay sa labas ng kwarto ko..
(sungit mode on! HAHAHA)
(super serious review mode)
Papatayin ko na yung MP6 player..
(kadalasan, nagkakabisado ako ng terms pag ginawa ko na to..)
Tahimik na tahimik. Wala akong nadidinig na ingay...
(di na ako halos nakakarating sa part na to..)
May nareview kaya ako?
Konti.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Yan ako eh.
Ikaw, paano ka magreview pag may exam?
EHYUN...,
Ms. Q
COMMERCIAL...
I know, I know, I know,
we're gonna make it
'coz no one else can make me feel
the way that you do
I promise you.
I know, I know, I know
we're gonna get there
today, tomorrow and forever
we will stay true
I PROMISE YOU.
(search niyo na lang! maganda yan, I PROMISE YOU! XD)
No comments:
Post a Comment