Pages

Sunday, February 24, 2013

My life depends on the computer.

Seryoso!
 Maghapon akong nasa computer para magtingin tingin. 
Tapos nakikipagchat ako kila mama. 
Di ko feel mag text kahit may cellphone ako. 
Nakakalungkot kasi na nawala talaga si beloved cellphone.

Tapos, tinitipid-tipid ko yung binabasa ko. (Delirium by Lauren Oliver)
Kasi nga, wala akong magawa.
Every part of the house reminds of that cellphone.

Nakakainis din na ang aga ko nagigising.
Kasi, bigla na lang akong nagigising.
Tapos naaalala ko cellphone ko.
Na dinukot nung walang hiyang, demonyong mandurukot. 

Iknow.
I'm weird.
Pero the past 2 years,
buhay ko din yung cellphone na yun.
Ewan ko ba!
Nakakainis lang talaga eh.

I'm really weird.
Tinatry ko pa din itrack yung cellphone ko.
Kahit alam kong wala na ngang pag-asa!
Langya naman kasi eh!
Bakit kailangan pang mangyari to sakin?

Everytime na matatahimik yung kwarto ko,
nakakalungkot.
Gawain ko kasi dati na magpatugtog lang pag naisipan.
Pero ngayon, lahat ng nakasanayan ko, 
tinangay nung demonyong mandurukot.

I know it's just a phone.
Madaling palitan.
Pero mahirap kasi kapag nakasanayan mo na nasa tabi mo yun.
Parang boypren lang nga.

Tapos, yung dapat na kakausap sayo,
di mo makausap ng matino.
Gusto ko lang naman marinig na,
"Ok lang yan."
Pero kahit sabihin niya yun, 
alam kong di sincere kasi may pinoproblema din siya.

Tapos kapag papasok ka, 
aasarin ka nung mga kaklase mo about sa phone mo..
which is, pag sa barkada ko, okay lang
pero pag yung iba na babanat, gusto kong ihambalos sa pader.
Hindi ako pikon.
Pero kung araw-araw, 
ganun ang umpisa mo sa school,
paniguradong badtrip ka din!
Lalo na pag di naman kayo close nung nangjo-joke sayo.

Nakakaburyo lang.
Wala akong magawa. 
Kahit bored sa Facebook, online lang.
Kahit kung ano ano na lang maisip ko, Tweet lang.
Nakakabagot.

Ganito pala feeling ng mawalan ng cellphone.
Pero bat yung iba ang bilis mag move on?
Baka weird lang talaga ako..

I will report the incident tomorrow.
Sa NTC.
Ipapablock ko si beloved cellphone.
Para wala nang makinabang.



I will be fine... Eventually,
Ms. Q

Saturday, February 23, 2013

My beloved cellphone is STOLEN!!

Nakakaiyak. 2 years mahigit kong kasama yung cellphone na yun. Tapos kukunin lang ng mga walang hiyang  snatcher/mandurukot/magnanakaw.. Whatever! I hate them all. Eh kung nagsisikap sana kayo diba? Hindi yung nangunguha kayo sa gamit na pinaghihirapan mabili ng iba. Kaya hindi na umunlad ang Pilipinas eh.

If ever man na nahulog, wala man lang bang magsasabi na, "Miss, cellphone mo nalaglag.". Kukunin mo na lang ba yun? Pag iinteresan mo? So hindi mo na inisip yung, kung anong halaga nung bagay na yun? Wala kang konsensya!

Eh ano ba iniiyak ko, wala na? XD

Alam ko na marami nang nawalan ng cellphone. Ang kakapal kasi ng mukha nung nangunguha. HAHAHA.

Last Friday lang nawala. Maulan kasi kaya grab na opportunity mga mandurukot. Kung alam niya lang na hindi ako nakakain at nakatulog. Iniisip ko kasi yung mga taong walang konsensya. CHAROT! I may be weird, pero seryoso akong natrauma na ko mag commute. I know.. cellphone lang yan.. Pero kasi, yung feeling na.. feeling mo lahat ng akaktabi mo sa jeep may balak kunin sayo. Ang weird ko nga!

Siguro hindi pa din kasi ako gaanong nakaka move on.. but going there na.. Pero kasi nandun lahat ng access ko. May diary ako sa phone. Birthdays ng mga kaibigan ko. At ang nakakapanghinayang na 8GB memory card ko na naglalaman ng sandamakmak na picture ng kapatid ko simula nung baby hanggang lumaki. OA ba? Isama pa natin ang sandamakmak na music sa cellphone ko. Napakaraming picture ko. Ano kayang balak niyang gawin dun? Tinatawagan ko pa din yung phone ko.. but still, hindi pa rin binubuksan or feeling ko, tinapon na yung sim. Pero as long as nasa akin yung kahon ng cellphone ko, MAY MAGAGAWA AT MAGAGAWA AKONG PARAAN PARA MATRACE YUNG LECHENG MANDURUKOT. HAHAHA

Ingat na lang din ako, kayo, tayong lahat. Maging aware. Gaano ka aware? Yung tipong may mouse trap sa cellphone mo para alam mo kung sino yung mandurukot. XD

Move on, move on din pag may time...


In the process of moving on,
Ms.Q

Sunday, February 17, 2013

Between Accountancy and Interior Design... Ano ba dapat?

Di lang talaga ako makapag decide kung ipapagpatuloy ko ba ang nasimulan na o iiwan na lang yun at iiba na ng daan...



So here I am.. Asking for advice.


Would I rather do this...


Or, make this..


My answer is, 

HINDI KO TALAGA ALAM! 
Naloloka na ko. 
Ano ba talaga? 
Ang gulo ko naman! 
Kainis! 
HELP! XD


So para medyo madalian ako, iniimagine ko sarili ko sa lugar ng dalawang trabaho na yan..


Disadvantages first!

Pag Accountancy,
siguro, wala na akong time sa sarili ko para mag enjoy
lagi siguro akong haggard
hindi ako masaya sa pagcocompute ng kautangan ng mga clients
di ko alam kung kakayanin ko yung trabaho
ano pa ba?.... yan muna.

Pag Interior Design,
feeling ko panget magiging designs ko
hindi ako ganun kagaling magdrawing
dapat lagi kang may ideas
wala na ko maisip..


Advantages naman!

Pag Accountancy,
mataas sahod 
makakatravel ka. kasi nga malaki sahod
flexible daw ang trabaho (niresearch ko lang.. XD)

Pag Interior Design,
masaya kasi para mo lang aayusin yung bahay
para ka lang nagti-trip
marami kang time (I think)
design..design..design


Oh diba? Kaya ko naman i-distinguish. HAHAHA
Pero kasi...
Ewan ko talaga.. 


Pag iniimagine ko naman sa school...

Pag Accountancy,
may friends na ko no need to worry. 
kaya lang hindi talaga kaya ng utak ko pagsosolve sa accounting
ayoko naman na itutuloy ko yung accounting kasi nakakakopya pa ko.
(Sa mga nagbabasa nito, OO. Nangongopya ako. Panigurado ikaw din naman! XD)
What if, mawala yung inaasahan ko?
Ano? Nga-nga na?
Napagtyagaan ko nga ng 2 years..
Hindi naman ako masaya.
Pero pag di ko nga tinuloy, sayang nga talaga..


Pag Interior Design,
wala akong friends.
back to zero 
baka walang ma-credit
pero pag dito ako, feeling ko magiging successful ako
kahit di ako magaling magdrawing, feeling ko matututunan ko naman
siguro biased na yung pagsagot ko kasi eto talaga gusto ko..



Sa totoo lang, ang kalaban ko ay between sa friends and course na gusto ko.
Kasi nanghihinayang din akong iwan ko sila.
Imagine, papasok ako sa isang school na walang kakilala.
Yung as in bago nanaman ang environment na kailangan mong i-adjust.
Eh, I heard na pabonggahan sa school na lilipatan ko. 
So yun ang kinakatakot ko.
What if, di ko kayanin mga kaklase ko?
HAHAHA


Let me give you a background nung 4th yr high school ako at pinoproblema ko to..

Nung high school ako..
Gusto ko na talaga Interior Design.
Eh di afford ng parents ko na pag-aralin ako sa abroad
(Sa abroad ako grumaduate...Hindi sa bonggang abroad. Diyan lang sa tabi-tabi..)
Eh nung time na nalaman namin na hindi namin afford, 
May na.
So, napaka last minute ng pagpili ko ng course.
Nung nalaman ko na may 2 yrs course dito nga sa school ko..
Sabi ko yun na lang. 
Sabi ko, siguro kaya ko naman siguro ang accounting.. 2 years lang naman.
Sabi ko, bibigyan ko ng 2 years sarili ko.
Para malaman kung ano ba talaga..

Eh eto na ko sa 2 years ko..
Hindi na ko makapagdecide..

Tama na. Ang drama diba? XD




"I would rather do nothing and be happy than do something that I don't love."



Parang ganito lang yan..
Itutuloy ko yung accounting pero hindi ako masaya..
Parang sa pag-ibig.. CHOS!

Ewan ko! Lito pa rin ako kahit kung ano ano na sinabi ko sa blog na to. 
I need help.
I need advices.
I need recommendations.
Gawan niyo nga ng thesis! HAHAHA

San may school ng interior design?
Magkano tuition?
Sasaya kaya ako dun?

Ewan ko talaga.
Parehas lang kasi tuition nila.
Yung school ko ngayon, mga 10 kembot lang ang layo sa bahay.
Yung lilipatan ko, mga 100 kembot.
HAHAHA

So yun.

Itutuloy ko ba ang accounting o lilipat na ko sa interior design?

Maraming masasayang. I KNOW.
Pero ano sa palagay mo?
Kunwari kaklase/ kabigan kita sa accounting...
Ano pwede mong i-advise?
Magshift na lang ba ako ng course na medyo madaming maccredit o lilipat na?

GOSH! Ngayon lang ako nagkaganito.
Ang hirap kasi!


Please. I need advices. HAHAHA


Love,
Ms. Q




Thursday, February 14, 2013

My Valentine's day.




What a beautiful day to start the day.
Ano daw? ewan ko din!

Kamusta Valentine's? 
Ang init diba? 
Sakit sa balat nung araw.
Nakakaitim. Nakakaasar. 
HAHAHA

Kamusta mga couples na dumaan?
Wala naman bang nabato sa inyo?
Wala bang sumigaw ng "Walang Forever!"?
Guilty ako! Nanigaw ako. :D

Kamusta mga singles? 
Enjoy ba? Syempre hindi!
Nakakabitter diba?

Pero ako kasi, nag-enjoy!
Date with friends.
Gala kung saan saan.
Actually, kumain lang tapos nagpunta sa park, at nanggulo sa bahay ko.

Ano ba masasabi ko sa mga singles out der? 
Wala naman.
Nakakabitter lang pala talaga makita.. na sila, may flowers tayo wala.
Tapos makikita mo yung mga lalaki, may dalang flowers. 
Sweet lang! Tara kain chocolates! :))
Pero di pwede. Di ako bitter today.
Bawal. 
Sabi ko sa sarili ko.
It's just a normal day. It's Thursday.
Kasi di naman talaga kailangan ng flowers pag Valentine's day.
Pwede namang araw-arawin eh.
Effort din kasi guys! HAHAHA
Manisi daw ba?

HAAAAAAAAAAAAAAY!
Maalala ko lang...
Nung kumain kami, may lalaki. May kadate siya. Chaka!
Pero si kuya, gwapo. Kaya lang sosyal sila eh. 
Pati yung girl.
(unidentified = di masabi kung gf ba o nililigawan o ano!)
Kainggit lang!
Ako magkaron ng ganung boypren, isasama ko kahit saan.
Pang display kasi talaga. HAHAHA
Kaya ako walang boypren eh! XD

Speaking of boypren...
Nag usap usap kami magbabarkada.
Yung mga single lang. yung mga taken, nakipagdate ata..
Yun nga..
Sabi nila, everyday naman Valentine's
Nakipag argue ako. Pero hindi ako nanalo.
Sabi ko kasi, iba pa din ang Feb. 14
Eh wala akong magagawa.. Sila may experience.. Ako wala.
OO na lang! :))

Ano pa ba pwede kong sabihin?
Basta.
Nothing special today.
Pero enjoy lang sa mga couples ah..
Wag niyo kami pansinin mga single na nag bibitter.
Bitter will make us better.
eventually..

Tinatamad na ko. Gusto ko na kumain. 
Tapos manuod. Tapos matulog.
HAHAHA


Love,
Ms. Q

Blog, blog din pag may time :))

Wednesday, February 13, 2013

Bakit di ko maiwasang maging bitter sa Valentine's Day?

Eto kasi yun... Siguro, di natin matanggap na ang daming sweet sa paligid. 



Tapos ikaw, NGA NGA!
Tapos makikita mo pa yang picture na nilagay ko. HAHAHA
Pero kasi diba. Parang ang special ng araw na yun. Na yung magjojowa sa tabi tabi, nagkakandarapa kung anong ibibigay nila sa mga jowa nila. 
Sorry for the term, pero wala naman kasi talagang FOREVER! 
Joke lang po! :))



Naghahangad tayo ng imposibleng mangyari.. Yung tipong, wala kang boyfriend, wala ka rin namang manliligaw pero gusto mo makatanggap kahit flowers or chocolates. Kahit yung paper rose lang. O kaya yung tigsasampung pisong candy na binebenta ng mag bata sa labas ng school niyo. Pwede ring teddy bears. Malaki, maliit.. basta makatanggap lang from special someone..


Kagaya kong NBSB, at walang manliligaw.. shy kasi sila, di nila ako maapproach. Masungit daw kasi ako. Pero syempre kaechosan nanaman yun.. 
Naghahangad talaga tayo ng mga ganyan.. At dahil, matagal kang walang jowa, naiinggit ka sa iba. Feeling mo, napapagiwanan ka ng panahon... So nagbibitter ka. HAHAHA. 


Pero ako, may KitKat nang nakaready. May movie na rin akong papanuorin.
Magkukulong sa kwarto at manunuod just like a normal person in a normal day.
HINDI PO AKO MAGMUMUKMOK. 
Manunuod ako. SWEAR!
So ayan ang plano ko.. At pwede rin na basahin niyo yung mga pinaglalagay kong tips or some sort of advice.. HAHAHA

Siguro nakita niyo ring kumakalat to sa Facebook:



Mga posibleng gimik para sa nalalapit na Valentine's Day.


Babala: PARA LAMANG SA MGA SINGLE AT BITTER.

1) Batuhin ng maliliit na bato ang bawat couple na dumaan sa harap mo.

2) Magparinig sa mga couple na dumadaan na walang forever at maghihiwalay din sila.

3) Mag-absent at magkulong sa bahay.

4) Tignan ng masama ang bawat couple sa paligid mo.

5) Lumapit sa isang couple at biglang sabihin ”Eto ba pinalit mo sakin?! Magsama kayo!”

6) Bumili ng madaming flowers at ibigay mo sa kakilala mong may boyfriend/girlfriend at lagyan mo ng note na “Happy monthsary, I love you baby” para mag away sila ng boyfriend/girlfriend nya.

7) Bumili ng bulaklak, magpicture kasama ito at ipost sa facebook na may caption ”From my secret admirer. Thank you so much for this!”

8) Magsuot ng tshirt na pang couple shirt. para di halata na single ka.

9) Gumawa ng “free hugs” na sign at maglibot sa campus niyo. Malay mo, may kumuha ng number mo.

10) Shot. Yayain mga kaibigang single at magparty kayo independence day e.


I might do some.


Some tips I found somewhere...



"Being single doesn't mean no one loves you. It means that God is busy writing your love story."

Valentine's Day is a day for lovers, and you're no exception. Your love story may not have unfolded yet. But God has big plans for your happiness and it includes a special someone who is waiting just for you. So go ahead, do whatever it is that makes you happy right now. Tomorrow brings a new day!

"S.I.N.G.L.E = Strong, Independent, Noticeable, Generous, Loyal and Enlightened"

All of your wonderful qualities add up to make you one amazing person. Make sure you live life to its fullest 365 days a year. Just because the date is February 14, you shouldn't change who you are. This Valentine’s Day take time to remind yourself of why you are so singularly spectacular! Make your own 

"Being single is pretty good. It's a nice sense of irresponsibility."

You'll be in a meaningful relationship soon enough. With it comes responsibility and ties that bind. In the meantime, enjoy the freedom that comes with being single. How can you enjoy yourself Valentine's Day? Do something fun that has nothing whatsoever to do with roses, fine dining, or greeting cards. That's right - jump out of a plane. Ride a horse. Take a hike. Be adventurous this Valentine's Day and irresponsibly make your way through a happy February 14.

"Being single used to mean nobody wanted you. Now it means you're pretty special and you're taking your time deciding how you want your life to be and who you're going to spend it with."

You are special and you are loved. Life is going pretty well - all in all. Don't let Valentine's Day be a reason to doubt yourself. Have fun this Valentine's Day by being picky about who you'll spend it with. Get away from your usual gaggle of girlfriends. Call up the most interesting person you know - male or female. Come up with a new way to spend the holiday. Or, simply have a nice dinner with good conversation.

"Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your strength."

The bible knows how to turn your Valentine's Day in to one with deep meaning and long-lasting effects. Add a little more prayer to your day. Give praise to God. Thank the Lord, for He loves you above all else. Make this holiday for love a blessed one.  


Nakaka ano to. Nakaka... Nakaka tats? Nakaka tuwa? Ewan ko. Basta pag binasa mo.. Nakakapag.. basta yun! :))


-     -     -     -     -     -     -     -     -     -     -     -    -     -     -     -     -     -    -     -     -     -     -     -    -     -     -     

So bukas, wala akong karapatang mag mukmok. Kasi normal day lang ang Valentines. Nothing special. Kung meron man, edi iyon ay isang napakagandang surprise! 
Kaya wala ka rin karapatan magmukmok! Buti nga ginising ka pa eh! HAHAHA
Sorry. Galit na galit lang :))
Alam ko na pag nabasa to ng mga kaibigan ko, hindi nila paniniwalaan.
Eh lagi naman kasing ganun eh. Laging akong sinungaling! CHAROT!
Pero kasi, wala naman talagang dapat ikamukmok bukas.
So what kung walang jowa.
May friends ka naman.
Speaking of friends, may ginawa akong ka ek ekan para sa kanila.
Ang dungis ko nga nung natapos eh. HAHAHA

Anyways, iba-blog ko na lang ang happenings bukas. 
Sana, may roses ako.
Sana, may teddy bear ako.
Sana, may chocolates ako.
Sana, may kumanta ng "I'll be there for you" sakin 
parang Ashton lang ang peg sa "A Lot Like Love"

Illusyonadang frog lang :))



SO,


Advance, Happy Valentine's Day/ Happy Hearts Day. 


Kung ano man ang tawag diyan.


Love? HAHAHA,
Ms. Q





PS: Ang cute pala pag naka center.. HAHAHA. Kababawan ko nanaman..

Sunday, February 10, 2013

Valentines Day is just days away...

Malapit naaa!!! May kadate na ba kayo?

Kung wala, samahan niyo ko mag rally sa harap ng school ko at sabihing maaga mag pauwi. YES. 5pm ang uwi ko sa Thursday. Ang saklap, saklap. Wala ka na ngang kadate, tagal pa ng uwian. Pano na lang yung mga naka line up na papanuorin ko? Yung bibilhin ko pang pagkain habang nanunuod. Ang saklap talaga!!

Anyweys, ikukwento ko muna yung mga past na pinag gagawa ko nung Valentines Day :))


Nung Elementary pa ko, laging project ang guma ng Valentines Card. Ewan ko kung bakit trip na trip yun nung mga teacher sa elementary! Eh di ayun, gumagawa ako ng Valentines Card at pinamimigay sa mga FRIENDS ko. Karaniwan naman ang ginagawa, Titiklupin yung red na colored paper; gugupitin pa-heart shaped o kaya ititiklop na lang tska do.drawingan ng heart. Mga tipong ganun.. So yun nga. Yun lang sa elementary.

Nung High School naman ako, project pa din ata yun. Basta ang naaalala ko, pinagawa kami ng letter sa mga 1/8 na papel tapos ibibigay daw kahit kanino. Hindi lalagyan ng pangalan. Sa pagkakaalam ko, binigyan ko yung best friend ko, yung pinsan ko, tska yung mga friends ko na hindi na ko kilala ngayon. Nung 4th year naman ako, parang dun ko lang narealize na napapagiwanan ako ng panahon. Ang dami kasing kasweetan na nangyari sapaligid ko nun eh. Kainggit diba? HAHAHA

Etong college na, nung first year, nakipagtrade ako ng chocolate sa kaklase ko. Parehas kaming girl. Trip lang namin. Masabi lang na nakatanggap ng chocolate. HAHAHA. We are out of our minds. Ngayon, balak kong bumili ng flowers at ipadala sa bahay ko. O kaya naman, bumili ng ferrero tapos bitbitin ko papasok ng school, maidisplay lang. Pero syempre, JOKE LANG YUN! HAHAHA

Masyado lang akong hyper ngayon kasi kakatapos ko lang kumain ng KitKat Chunky. Ang takaw ko diba? Sa pagkakaalam ko nga, may exam pa ako bukas. Pero sa halip na magreview, eto ako, nagba.blog kasi ang tagal ko nang hindi nakakapagblog. And, excited ako sa V-Day. Kahit walang kadate, kasi pagtatawanan ko nanaman yung mga FAIL na effort ng mga kalalakihan.

Naalala ko lang nung naglalakad lakad kami papuntang McDo, may nakasalubong kaming lalaki na may dala dalang bouquet siguro sosorpresahin niya yung girlfriend niya. Eh siguro akala niya hindi nakikita nung mga taong nasa loob ng McDo yung mga tao sa labas, dire-diretcho lang lakad niya.  Nakita na tuloy ni girlfriend. Pagdating niya, kunwari na lang na nasurprise si girl. Kasi naman nakita na. So wala pa siya, na-surprise na. So pagdating niya, parang aftershock na lang yung nakita niya. HAHAHA. Nakakatawa lang. Muntik na nga akong humalakhak sa McDo nun eh. HAHAHA. Pagpasensyahan natin si Kuya na siguro kinakabahan. HAHAHA

Meron pa! Gutom na gutom kami magbabarkada. Tapos malalaman mong walang mauupuan sa canteen. Sarap sungalngalin nung mga tao na nakatambay lang. Tapos may biglang nagkantahan. May lumabas na lalaki may dalang flowers. Si girl kilig na kilig. Eh di alam na! At dahil, sa barkada namin, kakabreak lang nung isa, yung isa, bitter sa mga nag paasa sa kanya, at isama pa ako na sadyang bitter lang talaga, muntik na kami magwala at magsisigaw na, MAGSI ALIS NGA KAYO DIYAN! GUTOM KAMI. Well, kumalma naman kami... Effort kung effort pero sana, wag makaabala sa iba. Hindi naman sa nakaabala sila pero kasi, pag gutom ka, tapos ganun madadatnan mo, na parang binili nila yung canteen kasi sila sila ang nandun, maaasar ka. HAHAHA. Napaghahalataan talaga katakawan ko.

Sana balik bata na lang ulit ako. Yung iintindihin ko, pag gawa ng Valentines card na project. Yung wala akong pakialam sa mga nakikipagdate, mga sweet sa daan.. HAHAHA. Nag eemote lang? Well, ganun talga. Sana hindi na lang ako namulat sa katotohanan na napag iiwanan ako ng panahon, ng mga kaibigan ko, ng... wala na kong maisip. HAHAHA. Tama na. Puro tawa na lang tong blog na to :))

Maaga pa naman para hindi magreview. So, mag tu-TWITTER muna ako :D
I.istalk ko lang mga crush ko. Tao sila. Pero hindi yung normal. I mean, celebrities sila! HAHAHA
hindi normal? XD 


Yun muna sa ngayon :D